5 drum ng pampasabog ng NPA, narekober ng AFP at PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) ang limang drum ng pampasabog at 21 detonating cord na pinaniniwalaang gagamitin sa terrorist attack ng New People’s Army.

Ang naturang pampasabog ay nadiskubre ng mga tropa ng 16th Infantry “Maglilingkod” Battalion, 85th Infantry “Sandiwa” Battalion, at mga pulis sa Labo, Camarines Norte nitong Sabado, July 13. 

Natagpuan ito sa pamamagitan ng impormasyon na ibinigay ng isang sibilyan sa mga awtoridad.

Ayon kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto Capulong, dahil sa pagkakasabat ng mga pampasabog na sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED), ay nahadlangan ang plano ng mga teroristang komunista na maghasik ng kaguluhan sa mga komunidad.

Muli namang nanawagan si Maj. Gen. Capulong sa mga nalalabi pang kasapi ng NPA na sumuko nalang para makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.  | ulat ni Leo Sarne

📸: 2ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us