Aabot sa 500 benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Lungsod Quezon ang nagsipagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Isinagawa ang pagkilala sa mga ito sa Quezon City Hall na dinaluhan din ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Layon ng graduation ceremony na kilalanin at pahalagahan ang pagsusumikap ng mga benepisyaryo ng 4Ps na may kakayahan na maging self-sufficient dahil may stable nang pinagkukuhanan ng income, at nakapagtapos na ng kolehiyo ang mga anak.
Binati naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga pamilya, na nasa walong taon ding naging bahagi ng programa.
Isasailalim din ang mga ito sa iba’t ibang programa at serbisyo kung kinakailangan, base sa monitoring at assessment ng DSWD at Social Services Development Department (SSDD). | ulat ni Merry Ann Bastasa