Tinatayang mahigit sa 5,750 na bangus fingerlings ang pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng National Capital Region (BFAR-NCR) sa Laguna de Bay sa pakikipagtulungan ng City Agriculture Office ng Taguig City na bahagi ng programang “Balik Sigla sa Ilog at Lawa.”
Layunin ng nasabing programa na buhayin ang ecosystem sa tubig na sakop ng lawa ng Laguna at suportahan ang mga lokal na mangingisda,
Sinasabing bahagi rin ito ng pagpapakawala pa ng nasa 50,000 fingerlings ng iba’t ibang uri ng isda mula sa mga karpa, hito, at iba pa.
Ang nasabing inisyatiba ay hindi lamang magsisiguro ng seguridad sa pagkain kundi kasama rin ang pag-employ sa Cash-for-Work beneficiaries upang alisin ang invasive species sa lawa upang maibalik ang ecological balance sa lugar.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga opisyal ng Taguig City at mga lider ng mangingisda kay Mayor Lani Cayetano at sa BFAR-NCR sa kanilang patuloy na suporta sa mga komunidad ng mangingisda sa Taguig. | ulat ni EJ Lazaro