Nasa 59 milyong mga kabahayan ang makikinabang sa pagsisimula ng operasyon ng Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line.
Ayon Kay NGCP President Anthony Almeda, may kakayahang makapag- transmit ng 8,000 megawatt power mula SA planta ng kuryente sa Bataan at Zambales.
Saklaw ani Almeda ng mabibigyang serbisyo ng binuksang Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line ang power consumers sa Luzon.
Sa harap nitoy tiniyak ni Almeda na Marami pang gagawing big-ticket projects ang NGCP na aniyay makakatulong sa pamahalaan at pag- akyat ng ekonomiya ng Bansa.
Nagpaabot din Naman ng pasasalamat si Almeda Kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa commitment na ipinapakita nito upang mapaunlad pa ang imprastraktura sa Banda.
Bukod sa kabubukas ngayong Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV line ay nauna na ding binuksan ang big-ticket projects ng NGCP gaya ng Mindanao-Visayas Interconnection, Cebu-Negros-Panay 230kV Interconnection at iba pa. | ulat ni Alvin Baltazar