Pinangunanahan ni House Speaker Martin Romualdez sa tulong ng Tingog Party-list ang pamamahagi ng relief packs sa mga biktima ng bagyong “Carina” at Habagat sa Metro Manila.
Ayon kay Speaker Romualdez, agad silang kumilos upang mamigay ng tulong sa evacuees dahil mahirap ang kanilang sitwasyon bagay na kanilang naranasaan noong bagyong Yolanda.
Sa Metro Manila, nasa 7,000 pamilya o 30,000 na mga indibidwal ang tumanggap ng tulong gaya ng relief packs, at P5,000 financial aid mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program ng Department of Social Welfare and Development na ikinoordinate ng Office of the House Speaker.
Sa kanyang mensahe, sinabi nito na batid niya ang nararamdaman ngayon ng mga biktima ng bagyo dahil sa kanilang naging malagim na karanasan 10 taon na ang nakalipas sa bagyong Yolanda.
Importante aniya na maibalik ang tiwala ng mga kababayan natin sa kanilang kakayahan na makabangon muli.
Sa San Juan City Gym kung saan siya bumisita nasa 3,000 na apektadong pamilya ang nabigyan ng relief packs at 5,000 AKAP aid ng DSWD na makukuna naman sa sususnod na linggo.
Kasama ng leader ng Kamara ang kanyang may bahay, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, Appropriations Chair ELizaldy Co, Rep. Jude Acidre, San Juan lone District Rep. Ysabel Zamora, at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ng San Juan. | ulat ni Melany Valdoz Reyes