Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang isang factory sa San Jose del Monte, Bulacan na nagresulta sa pagkakahuli na nasa 79 na mga Chinese national.
Ayon kay NBI Director Jaime A. Santiago, 36 sa mga Chinese national ay may kaukulang papeles, 23 ang may hawak na tourist visa, habang inaalam pa ang estado ng iba.
Nakatakdang dalhin ang mga Chinese national ngayon sa NBI Headquarters sa Quezon City.
Hindi pa matiyak kung ang pagsalakay ay may kaugnayan sa operasyon ng iligal na POGO. | ulat ni Diane Lear