No down payment, all installment option ang bagong alok ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa 12,000 properties nito sa buong bansa.
Ayon kay GSIS General Manager Wick Veloso, ang nasabing pabahay ay ia-award sa mga empleyado ng pamahalaan na magbabayad ng installment basis.
Paliwanag ni Veloso, ang nasabing pabahay program ay iniaayos ng GSIS para maaksyunan ang pangangailangan ng mga miyembro nito.
Sa pagtanggal aniya ng downpayment at paglalatag ng long term installment plan ay ginagawa nila aniyang mas accessible ang pabahay sa government employees.
Para maging kwalipikado sa nasabing programa ay kailangang aktibong miyembro ng GSIS na may updated premium contributions, permanent employment status, at naka tatlong taon na sa serbisyo, at may net take-home pay na at least P6,000 matapos ang loan deductions. | ulat ni Lorenz Tanjoco