Umabot sa 90 volcanic earthquakes ang naitala ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) sa Bulkang Kanlaon.
Sa inilabas na advisory ng PHIVOLCS, nagsimula ang pagyanig ng alas-3:00 ng hapon kahapon, Hulyo 2 hanggang alas-12:00 ng tanghali ngayong araw, Hulyo 3.
Karamihan sa pagyanig ang nasa 20 kilometro ang lalim kung saan 5 ang volcanic-tectonic events at 85 ang weak low-frequency events na indikasyon na may pagalaw ng volcanic fluids.
Samantala patuloy rin ang pagbuga ng bulkan ng mataas na sulfur dioxide (SO2) gas na umaabot sa 3,254 na tonelada kada araw.
Paglilinaw ng ahensya, nag-aalburuto ang Mt. Kanlaon dahil sa magmatic processes sa ilalim ng bulkan na nagreresulta naman sa volcanic earthquake at mataas na SO2 gas emission.
Sa ngayon, nanatili pa rin sa Alert Level 2 ang bulkan at pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging bidyilante at iwasan ang pagpasok sa four kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) malapit sa bulkan. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo