Tinatayang papakinabangan ng nasa 900 disadvantaged youth ang bagong Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Jollibee Foods Corporation (JFC).
Layunin ng nilagdaang MOA na tulungan ang mga kabataang nasa laylayan, kabilang ang mga estudyanteng kapos, out-of-school-youth, at mga dependent ng mga manggagawang nawalan o posibleng mawalan ng trabaho na maabot ang kanilang potensyal, bagay na binigyang-diin ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma.
Kasama sa lumagda sa nasabing MOA, sina Sec. Laguesma at si JFC Chief Human Resources Officer Ruth Angeles na dinaluhan din ng mga pangunahing opisyal mula sa parehong organisasyon.| ulat ni EJ Lazaro