Pinangunahan ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang pagbubukas ng unang Kabataan Center sa lungsod.
Ayon kay Villar ang center na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral dahil magsisilbi rin itong e-library.
Mayroon itong mga computer, printer, photocopy machine, at libreng Wi-Fi connection para mabigyang access ang mga kabataan sa digital learning resources.
Mayroon din itong mga libro at maaaring magamit bilang meeting at study place ng mga estudyante.
“Mahalaga ang edukasyon para sa ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga Kabataan Centers na ating ipinatatayo, layunin natin na matulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral,” sabi ni Villar.
Una nang inihain ng lady solon ang E-books for the Barangay Program Act para sa pagtatayo ng digital library platform sa kada bayan na magagamit ng mga mag-aaral. | ulat ni Kathleen Jean Forbes