On track ang Marcos administration sa agenda for prosperity nito sa ikatlong taon ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa Post-SONA forum, nanawagan si Budget Secretary Amenah Pagandaman sa lahat ng Pilipino na magtulungan upang mapanatili ang momentum na ito.
“We remain on-track with our agenda for prosperity. Let us sustain this momentum.” — Secretary Pangandaman.
Sa mga kalihim ng mga departamento ng pamahalaan, nanawagan si Secretary Pangandaman na siguruhin na ang bawat sentimong inilaan ng administrasyon sa kanilang tanggapan ay angkop na magagamit.
Lalo na aniya para sa mga “urgent, priority at socially impactful programs” para sa mga Pilipino.
“For our dear cabinet secretaries, we expect all agencies to ensure that every centavo allocated will be judiciously spent for our urgent, priorities, and socially-impactful programs.” — Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan