Air Force, handang umalalay sa mga naapektuhan ng habagat at bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-alerto ang Philippine Air Force (PAF) para umalalay sa mga apektado ng kalamidad bunsod ng bagyong Carina gayundin ng hanging habagat.

Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, naka-standby na ang kanilang Water Search and Rescue (WASAR) Team para i-deploy sa disaster response at humanitarian assistance anumang oras.

Kasama ng kanilang 505th Search and Rescue Group ang mga helicopter at air ambulance na siyang gagamitin para sa ikakasa nilang operasyon.

Nakaposisyon na rin aniya ang kanilang anim na Rapid Response Teams sa Clark, Laoag, Palawan, Davao, Mactan, at Zamboanga, bitbit ang kanilang kasanayan at kagamitan para sa pagtugon sa emergency.

Bukod dito, sinabi rin ni Castillo na nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang Rapid Damage Assessment at Need Analysis sa mga lokal na pamahalaan para tukuyin ang lawak ng pinsala gayundin ay para magsagawa ng operasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us