Nagkaroon ng paunang dayalogo ang Alliance of Concerned Teachers sa pangunguna ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kay incoming DEPED Sec. Sonny Angara.
Kasabay ng pagpapaabot ng pagbati sa kaniyang appointment bilang bagong kalihim ay inilatag rin nila ang mga hamon at isyu na sana ay matugunan ni Angara.
Kabilang dito ang paglalaan ng 6% ng GDP ng bansa sa education sector para tugunan ang backlog sa basic education gaya ng mga school buildings; overhaul sa K to 12 curriculum; pagkakaroon ng culturally appropriate national assessment test; salary increase ng mga guro at maipantay ang sweldo ng private school teachers sa mga nasa public schools.
Naniniwala ang ACT na kung matutugunan ang mga isyu na ito ay lalo pa mapapabuti ang edukasyon sa bansa.
Matatandaan na isa sa marching order ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Angara ang bigyang prayoridad ang mga guro.
“So, I said, we have to take care of the teachers. We have to, of course, financial[ly] to make sure that they can feed their families. Kasi we tend to forget sometimes that teachers have families,” saad ng Pangulong Marcos Jr. sa isang panayam. | ulat ni Kathleen Forbes