Amyenda sa EPIRA law, dapat magresulta sa pagbaba ng presyo ng pagkain – Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na anumang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay dapat magresulta sa pagbaba ng presyo ng kuryente para sa kapakanan ng mga consumer na patuloy na nagtitiis sa mataas na presyo ng kuryente.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na kinakailangan nang repasuhin ang EPIRA.

Ayon kay Gatchalian, suportado niya ang panawagan ng Pangulo na amyendahan ang EPIRA para matugunan ang mga isyu tungkol sa sektor ng enerhiya kabilang na ang mataas na presyo.

Ayon sa mambabatas, dapat amyendahan ang EPIRA para mabigyan ng mas matinding ngipin ang Energy Regulatory Commission (ERC) laban sa mga industry player na bigong magpatupad ng kanilang mandato.

Binigyang-diin rin ni Gatchalian, na dapat magkaroon ang ERC ng sapat na kapangyarihan para ipatupad ang mandato nito na protektahan ang interes ng mga mamimili at ang charter nito ay dapat magsulong ng kalayaan, transparency, at accountability.

Dapat rin aniyang maging malinaw ang accountability ng mga industry players at magkaroon ng parusa na mararamdaman talaga ng mga violators. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us