Itinutulak ngayon ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers na maamyendahan ang ilan sa probisyon ng “SIM Card Law” upang matugunan ang nagpaoatulong na online scamming.
Itoy matapos matuklazan sa pag dinig ng Kamara na ilan sa nga na raid na POGO hub ay may bulto ng mga SIM na ginagamit sa scam.
“During the raids recently conducted by PAOCC (Presidential Anti-Organized Crime Commission) agents in POGO facilities in Bamban and Porac towns in Pampanga, they recovered more than P50,000 unused SIM cards. And we all know too well that these POGO operators and workers won’t use them for good intentions,” ani Barbers.
Batay aniya sa batas ang mga prepaid SIM subscribers ay kailangan imano manong irehistro sa portal ng telco ang kanang SIM sa pamamagitan ng pagbinigay ng litrato at personal na mga impormasyon.
Ito ang ginagamit ng mga sindikato kung saan bibili sila ng maraming SIM gagamit ng mga pekeng impormasyon para mag rehistro.
Wala naman aniya paraan ang nga telco na bantayan kung ito ba ay nagagamit sa iligal na aktibidad, kumpara sa mga postpaid SIM.
“What the organized scamming syndicates do is to buy in bulk prepaid SIM cards because they can always provide fake or fraudulent details of their phone users. And telco’s have no capability or system to monitor and catch these scammers who are using a subscriber’s altered postpaid SIM IDs,” paliwanag ni Barbers. | ulat ni Kathleen Forbes