Anim na Bangko, naglabas na ng certification para pabulaanan ang bank account na ibinibintang kay Comelec Chair Garcia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinakita ni Commission on Election (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia ang sagot ng anim na bangko matapos siyang magpadala ng request letter dito.

Nais kasi ni Garcia na ipakita sa publiko na wala siyang account sa BPI Alfaro Branch, Landbank Intramuros, Metrobank Makati, Union Bank Ortigas Center, at Banco de Oro.

Ito ay base sa ipinasang mga dokumento ni dating Caloocan Representative Edgar Erice sa tanggapan ng Comelec.

Sa ipinadalang sulat ng mga bangko, inilahad nila na ‘spurious’ o hindi totoo ang bank information umano ni Garcia.

Matatandaan na inaakusahan ang poll chief na nakatanggap umano ito kaya naaprubahan ang kontrata sa Miru System na magiging service provider sa 2025 midterm elections. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us