Natapyasan muli ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa magdamag.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 34 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 175.07meters.
Limang metrong kapos ito mula sa 180 meters na minimum operating level ng dam.
Bukod sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ipo Dam, Ambuklao, Binga Dam, Magat, at Caliraya Dam ngayong umaga.
Una nang sinabi ng PAGASA Hydromet na inaasahan nitong magsisimula ngayong buwan ang malalakas na pag-ulan na posibleng magpataas sa lebel ng tubig ng Angat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa