Anti-cybercrime efforts, pinarerepaso ng isang mambabatas sa DICT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ngayon ni House Committee on Information and Communications Technology Chair Toby Tiangco sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na magsagawa ng komprehensibong review ng mga umiiral na programa at polisiya upang matukoy ang vulnerabilities ng mga cyber system ng pamahalaan.

Kasunod ito ng panibago na namang cyberattack at data breach sa digital infrastructure ng mga ahensya ng gobyerno.

Pinakahuli dito ang online service ng Department of Migrant Workers (DMW) dahil sa ransomware attack.

Tinukoy din ni Tiangco ang ulat ng Surfshark, isang Norway-based virtual private network provider, kung saan pang-29 ang Pilipinas sa kabuuang 250 na mga bansa ang may mataas na kaso ng data breach sa ikalawang quarter ng 2024.

“Although the decrease in incidents is a positive sign–from 7.7 million cases in the first quarter this year to over 385,000 in the second quarter–the high global ranking remains alarming,” ani Tiangco.

Paalala ng House panel chair kailangan maging proactive ang pamahalaan upang mapigilan ang mga cybercrime at tiyaking ligtas ang mga Pilipino sa digital space lalo na ngayong nasa digital age na tayo.

“I urge the DICT to develop a comprehensive plan to bolster the protection of digital systems, particularly those providing essential services to Filipinos…As we embrace a digital world, our regulatory policies must adapt to the evolving nature of cybercrimes. Without robust digital infrastructure, Filipinos remain vulnerable to privacy breaches, fraud, and other cybercrimes,” giit ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us