Antipolo Bishop, nagpalabas ng Oratio Imperata upang mailayo ang bansa sa kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpalabas ng isang Oratio Imperata si Diocese of Antipolo Bishop Ruperto Santos upang hikayatin ang mga Pilipino na manalangin para sa bansa.

Ito’y kasunod na rin ng pinsalang tinamo ng walang patid na pag-ulang dala ng hanging Habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina.

Ayon sa obispo, dapat hilingin sa Diyos ang kaniyang paggabay upang mailayo ang lahat mula sa anumang kapahamakang dulot ng kinahaharap na sakuna.

Gayunman, binigyang-diin ni Bishop Santos na kailangang sumunod sa tagubilin ng mga awtoridad para matiyak ang kaligtasan at maiwasan ang anumang hamon sa kabila ng kalamidad.

Giit pa niya, panalangin ang tanging makapipigil sa kalamidad gaya ng naranasang malawakang pagbaha sa buong Metro Manila dahil sa maghapon at magdamag na pag-ulan.

Sa huli, sinabi ng obispo na maliban sa gawa, dapat din itong samahan ng pagtitiwala na malalampasan ang anumang kalamidad  sa tulong at awa ng Diyos.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us