Anunsiyo ni Pangulong Marcos Jr. na i-ban na ang mga POGO, ikinagalak ni Sen. Risa Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros na napakalaking tagumpay ang anunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa buong bansa.

Bilang taga-pangulo ng Senate Committee on Women na nanguna sa imbestigasyon tungkol sa mga krimeng nakakabit sa POGO, hindi aniya matatawaran ang saya at ginhawa na naramdama niya nang  ipagbawal na ang POGO.

Binigyang diin nito ang mga kalokohan at gulong idinulot ng mga POGO kaya pinuri nito ang desisyon ng Pangulo.

Giniit ni Hontiveros, na mahalagang umpisa ito sa isang mahabang hakbang para mapanagot ang mga nagpapasok at nagpahintulot sa paglaganap ng mga krimeng dala ng POGO sa ating bansa.

Titiyakin din aniya nilang magkaroon ng patas na transition para sa mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho sa mga POGO.

Nangako si Hontiveros na itutuloy ng Mataas na Kapulungan ang paged-demand ng accountability at itutuloy nila ang pagdinig sa mga POGO. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us