Ibinida ngayon ng Clark Development Corporation ang apat na legacy projects sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
Sa Build Better More Infrastructure Forum ng PCO, inisa isa ni CDC VP Teresito Tiotuyco ang ilan sa big ticket projects nitong nakaangkla sa direksyon ng gobyerno na maisulong ang potensyal ng Clark.
Isa sa mga proyektong ito ang Clark Multi-Specialty Medical Center na nagsimula na ang kontruksyon.
Kamakailan lang, pinangunahan ni First lady Liza Araneta-Marcos ang groundbreaking ng ospital na sumusuporta sa hangarin ng Marcos Admin na magtaguyod ng specialized healthcare sa mga pilipino.
Tampok rito ang Pediatric Center, Renal Center at Medical Arts Building na target matapos sa unang quarter ng 2026 at makapaghatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente mula sa Region 1-3.
Popondohan ito ng P12-B pondo na itatayo sa pamamagitan ng public-private partnership.
Bukod dito, ongoing na rin ang kontruksyon para sa National Museum of the Philippines-Clark habang nakalinya na rin sa conceptual design phase ang Clark Cultural and Convention Center.
Target ding magkaroon ng CDC Corporate Building na popondohan ng P2.8B pondo. | ulat ni Merry Ann Bastasa