Ganap nang gumagana ang digitalized electronic Business One Stop Shop (eBOSS) sa lokal na pamahalaan ng Iligan sa Northern Mindanao.
Ayon kay Anti-Red Tape Authority Secretary Ernesto Perez,ang pagiging eBOSS ng LGU ay pinagsamang inisyatiba ng ARTA, Department of the Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology at Department of Trade and Industry.
Layon nito ang pag-streamline sa mga proseso sa lokal na pamahalaan, tulad ng aplikasyon para sa mga business permit.
Sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang ganap na streamlined at digitalized eBOSS, ang Iligan City, na nauuri bilang isang highly urbanized city, ay magiging mas may kakayahang makipagtransaksyon sa mga negosyo nang mahusay.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon na ng mas maraming kita at pagkakataon para sa mga residente nito.
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na isusulong ng ARTA sa lahat local government units sa buong bansa na sumunod sa Republic Act 11032, o ang Ease of Doing Business (EODB) Law.
Dahil dito, lahat ng transaksyon ng gobyerno sa “Bagong Pilipinas” ay maisagawa nang madali. | ulat ni Rey Ferrer
📷 Iligan LGU – FB