Pinangunahan ng bagong upong Kalihim ng Department of Education (DepEd) na si Sec. Juan Edgardo “Sonny” Angara ang Brigada Eskuwela sa Neptali Gonzales High School sa Mandaluyong City ngayong araw
Ito’y sa kabila na rin ng masamang panahon at pabugsu-bugsong pag-ulan bunsod ng epekto ng Bagyong Carmina
Hindi nagpatinag ang Kalihim sa kabila ng pagbuhos ng ulan para pangunahan ang taunang aktibidad kasama sina Mandaluyong City Vice Mayor Menchie Abalos at mga opisyal ng LGU
Kasama rin sa mga nakiisa sa Brigada Eskuwela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni General Manager Procopio Lipana, Asst. GM David Anthony Vargas at MMDA Executive Director, Atty. Vic Nuñez
Dito, namahagi sila ng mga gamit sa eskuwela gaya ng notebook, bag, ballpen, lapis gayundin ng mga medyas, sapatos, uniporme at hygiene kits
Namahagi rin ng balde, panlinis wheelchair at laptop pc ang DepEd, MMDA at LGU para sa nabanggit na Paaralan na magagamit ng mga Guro at Mag-aaral
Kasunod nito, sabay-sabay na pinangunahan ng mga naturang opisyal ang paglilinis at pagkukumpuni ng mga silid aralan na hudyat ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa July 29. | ulat ni Jaymark Dagala