Nakatakdang ibida ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang bagong Ground-Based Aerial Defense System.
Ito’y kasabay ng ika-77 anibersaryo ng Philippine Air Force sa Basa Airbase sa Mabalacat City sa Pampanga ngayong araw.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo na ang bagong sistema ay kayang tumukoy, kumilala at mag-neutralisa ng kaaway mula sa lupa.
Tampok din sa okasyon ang pagsasagawa ng isang simulation kung saan, babawiin ng Air Force ang isang kinamkam na teritoryo gamit ang kanilang kapabilidad.
Bida rin dito ang pagsasagawa ng airstrike mission, intelligence, reconnaissance at surveillance gamit ang kanilang unmanned aerial vehicles. | ulat ni Jaymark Dagala