Pormal na iniluklok sa pwesto ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. si Brigadier General Eric Macaambac PN(M) bilang bagong commander ng Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR).
Sa Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, pinalitan ni Brig. Gen. Macaambac si Maj. Gen. Jimmy Larida PN(M) na una nang na-promote noong Mayo bilang AFP Deputy Chief of Staff for Operations o J3.
Si Brig. Gen. Macaambac na miyembro ng PMA “Tanglaw-Diwa” Class of 1992, ay nagsibli bilang ika-28 commander ng 1st Marine Brigade, Philippine Marine Corps, at Commander ng Naval Task Group Central, Joint Task Force Central, Western Mindanao Command.
Sa kanyang mensahe, binati ni Gen. Brawner ang dating JTF-NCR chief na si Maj. Gen. Larida sa kanyang malaking kontribusyon sa Task Force, at pinuri si Brig. Gen. Macaambac sa kanyang mahusay na pamumuno at “operational expertise.” | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg Ambay/PAOAFP