Bagong Monetary Board member Walter Wassmer, nanumpa na sa kanyang tungkulin sa Bangko Sentral ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanumpa na sa kanyang tungkulin si bagong Monetary Board member Walter Wassmer.

Si  BSP Governor Eli Remolona ang siyang nag-administer ng kanyang “oath of office.”

Ang veteran banker na itinalaga ni  Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ay magsisilbi hanggang July 2026 kapalit ni dating Board member Bruce Tolentino.

Una nang sinabi ni Gov. Remolona na malaki ang magiging ambag ni Wassmer sa policy making ng Monetary Board dahil sa kanyang  ilang dekada nang experience sa banking industry.

Dumalo na rin si Wassmer sa regular Monetary Board Meeting kasama ang iba pang miyembo na sina Finance Secretary Ralph Recto, Benjamin Diokno, Romeo Bernardo, at Rosalia De Leon.

Inaabangan naman sa ngayon ang ikapitong miyembro ng Board na uupo sa  ibinakante ni Anita Linda Aquino na nag-early retire ngayong taon.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us