Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Butchoy.
Huling namataan ang sama ng panahon kaninang alas-10:00 ng umaga sa layong 565 km sa Timog ng Iba, Zambales.
Ayon sa PAGASA, hindi na direktang makaapekto si Butchoy sa bansa sa loob ng susunod na tatlong araw.
Gayunpaman, magdadala pa rin ng malakas na mga pag-ulan ang Southwest Monsoon at ang Tropical Depression Carina sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Sa ngayon, napanatili pa ni bagyong Carina ang kanyang lakas habang gumagalaw pa-Kanluran-Hilagang Kanluran ng Philippine Sea.
Huli siyang namataan sa layong 510 km ng Silangan-Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/oras malapit sa gitna at bugso ng hanggang 70 km/oras. | ulat ni Rey Ferrer