Bahagi ng Sumulong Highway sa Antipolo City, bukas na sa trapiko matapos bumagsak ang isang poste ng kuryente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na muli sa daloy ng trapiko ang harapang bahagi ng isang mall sa Sumulong Highway sa Antipolo City.

Ito’y matapos bumagsak at humambalang ang dalawang poste ng kuryente sa lugar nang banggain ito ng isang pick-up ng Manila Water, mag-aalas-4:35 kaninang umaga.

Ayon kay Anthony Bourbon ng Mambugan Rescue, naka-idlip ang driver ng pick-up kaya ito bumangga sa poste na nagresulta sa pagkawasak ng unahang bahagi nito.

Dahil diyan, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang naturang aksidente habang dinala naman sa ospital ang driver ng pick-up matapos dumaing ng pananakit ng mukha at dibdid.

Mag-aalas-6 naman ng umaga nang dumating ang mga linemen ng MERALCO para itabi ang bumagsak na poste at sinupin ang mga kableng nagkalat sa lugar. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us