Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) na walang bird flu o Highly Pathogenic Avian Influenza sa mga alagang manok sa lalawigan ng Tarlac.
Ito’y batay sa isinagawang test sa mga poultry sa lalawigan at lumabas na negatibo sa bird flu virus.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary for Swine and Poultry Dante Palabrica, wala nang dapat ipangamba ang consumers at industry players tungkol dito.
Una nang napaulat ang bird flu outbreak sa Capas, Tarlac na pinabulaanan naman agad ng BAI.| ulat ni Rey Ferrer