Pormal nang binuksan ngayong araw ang taunang Balik Eskwela Shoe Bazaar sa Freedom Park, Marikina City.
Layon ng bazaar na magbigay ng de-kalidad at abot-kayang mga sapatos sa mga mag-aaral bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.
Tampok dito ang 43 leather goods stalls at tatagal ang bazaar hanggang sa August 18.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, malaking serbisyo ito hindi lamang para sa mga taga-Marikina kundi maging sa mga karatig-pook kung saan makakabili ng matibay, maganda, at abot-kayang mga sapatos.
Dagdag pa ng alkalde, sa pagbili ng mga produktong gawa sa Marikina, natutulungan din ang mga lokal na negosyo na umunlad at lumago.| ulat ni Diane Lear