BAN Toxics, nagbabala sa mga ibinebentang school backpack na may mataas na toxic lead

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng papalapit na pasukan ay muling nagpaalala ngayon ang toxic at waste watchdog organization na BAN Toxics sa mga magulang na maging mapanuri sa mga binibiling kagamitang pang-eskwela ng kanilang anak gaya ng school bag.

Kasunod ito ng nadiskubreng mataas na lebel ng toxic lead sa ilang ibinebentang kiddie backpacks sa Divisoria na nagkakahalaga ng ₱150.

Ayon sa BAN Toxics, nakitaan ng toxic lead levels na hanggang 11,900 parts per million (ppm) ang mga naturang bag at wala ring tamang labeling.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics campaigner ng BAN Toxics, nakakaalarma na hanggang ngayon ay marami pa ring produktong pambata ang naglalaman ng toxic chemicals sa kabila ng mga umiiral nang regulasyon sa bansa.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng BAN Toxics ang mga magulang na ugaliing tignan ang label ng mga school supplies na binibili para sa anak nang masiguro na wala itong toxic chemicals.

“Parents should be mindful of checking the product information, or lack thereof, and the potential presence of toxic chemicals, and not just the price of the school supplies. The health and safety of the children should be the priority before buying,” paalala ni Dizon.

Nanawagan din ito sa Department of Trade and Industry (DTI), Food and Drug Administration (FDA), at LGUs na paigtingin ang mga on-site inspection sa mga ibinebentang school supplies sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us