Bansang Brazil, pinuri ang economic performance ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Brazil Ambassador to the Philippines Gilberto Fonseca Guimarães De Moura ang “impressive” economic performance ng Pilipinas.

Sa kanyang pulong kay Finance Secretary Ralph Recto sinabi nito, na nakakamangha ang paglago na natamo ng bansa, ang fiscal consolidation, at ang pangangasiwa sa mga utang.

Nagpahayag din ito ng interes na palakasin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa trade, space technology, edukasyon at defense.

Pinagtibay naman ni Recto ang kahandaan ng Pilipinas sa mas maraming partnership sa Brazil.

Aniya, puspusan ang ginagawa ng gobyerno sa mga inisyatiba na magpapabilis ng economic growth. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us