Bantay Presyo sa Agora Public Market sa San Juan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Agora Public Market sa San Juan City ngayong umaga.

Unahin natin sa manok na mula sa dating ₱190, ngayon ay nasa ₱220 na ang presyo ng kada kilo ng whole dressed chicken habang ₱230 naman ang choice cuts.

Sa baboy naman, nasa ₱350 ang presyo ng kada kilo ng kasim mula sa dating ₱320 habang nasa ₱390 ang kada kilo ng liempo.

Hanggang ₱10 naman ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng gulay gaya ng talong, sibuyas, at patatas na nasa ₱120 ang kada kilo, bawang nasa ₱150, habang ang luya ay nananatili naman sa ₱300 ang kada kilo.

Tumaas din ng hanggang ₱20 ang kada tray ng itlog na naglalaro sa ₱200 hanggang ₱285 depende sa sukat nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us