Nananatiling mataas ang presyo ng ilang pangunahing produkto sa Pasig City Mega Market habang may ilan naman ang bumaba.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, aabot sa ₱220 ang presyo ng kada kilo ng manok habang sa baboy naman, ₱350 ang kada kilo ng kasim at nasa ₱390 ang kada kilo ng liempo.
Nasa ₱100 ang kada kilo ng tilapia, ₱140 ang kada kilo ng bangus habang ang galunggong ay nasa ₱200 ang kada kilo.
Ang kamatis naman, nasa ₱160 ang kada kilo, kalamansi ay nasa ₱140 ang kada kilo, luya ay nasa ₱280 ang kada kilo, sibuyas ay nasa ₱130 ang kada kilo habang ang bawang ay nasa ₱160 ang kada kilo.
Bumaba naman ang presyo ng repolyo na nasa ₱90 ang kada kilo, carrots ay nasa ₱140 ang kada kilo, at patatas ay nasa ₱150 ang kada kilo.
Ang bigas naman, nananatili sa ₱48 kada kilo ang pinakamababa, habang nasa ₱70 kada kilo ang pinakamahal o imported rice. | ulat ni Jaymark Dagala