Muling ipagpapatuloy ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation ang Batang Busog Malusog Program ngayong nagbalik Eskwela na ang mga estudyante.
Ayon kay Sec. Larry Gadon, muli nilang dadalhin sa mga paaralan ang nasabing programa upang makatulong sa mga mahihirap na estudyante.
Naudlot ang BBM program matapos suma ilalim sa angioplasty operation ang Kalihim at magkaroon ng school break ang mga bata.
Sabi ng Kalihim, nakipag-ugnayan na siya kay DepEd Sec. Sonny Angara para sa muling paglulunsad ng Batang Busog Malusog sa mga public school.
Katuwang ng OPAPA ang iba pang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor para mag pakain sa mga batang malnourished. | ulat ni Michael Rogas