May lakas na magnitude 5 na lindol ang tumama sa bayan ng Lope de Vega sa Northern Samar pasado alas dose ng madaling araw kanina.
Sa ulat ng Phivolcs, bagama’t hindi naramdaman sa ibang kalapit na lugar ang lindol, asahan pa raw na magkaroon ito ng mga aftershock.
Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 7 kilometro ng Hilagang-Kanlurang bahagi ng nasabing bayan.
May lalim na 82 kilometro ang pinagmulan ng pagyanig at tectonic o paggalaw ng faults at plate voundaries ang dahilan.
Pagsapit ng ala 1:25 ng madaling araw nang yanigin din ng magnitude 4.1 na lindol ang Baganga sa Davao Oriental.
Nasa bahagi ng karagatan ang pinagmulan ng lindol pero hindi naman ito nagdulot ng pinsala.
May tatlong aftershock na ang naitala hanggang alas 2:25 kaninang madaling araw mula ang unang pagyanig.| ulat ni Rey Ferrer