BCDA, hindi kinalimutan ang mga sundalo kasabay ng paglago nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na nakasuporta ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa kapakanan ng mga sundalong Pilipino. 

Sa Build Better More Infrastructure Forum sa New Clark City sinabi ni BCDA President at Chief Executive Officer Joshua Bingcang na may nilaan sila para sa Filipino troops. 

Aniya, manggagaling ang pondo sa mapapagbentahan ng mga residential area sa Clark kung saan 25 percent ng halaga ay mapupunta sa pension fund ng Armed Forces of the Philippines. 

Punto pa ni Bingcang, ang nasabing 25% cut na ibibigay ng BCDA sa pensyon ng mga sundalo  ay labas pa sa kasalukuyang natatanggap ng mga ito sa batas. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us