Naniniwala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na kayang ituloy-tuloy ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng ₱29 na kada kilo ng bigas.
Ito’y kasunod ng paglulunsd ng DA ng ₱29 Program noong nakaraang linggo.
Ayon kay SINAG President Engr. Rosendo So, mayroong kapasidad ang DA para maging pangmatagalan ang ₱29 na kada kilo ng bigas lalo pa’t pangunahing nakikinabang rito ang mga senior citizens, persons with disability, solo parent, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Maliban kasi aniya sa National Food Authority (NFA) na pangunahing nagsusuplay sa murang bigas sa programa, mayroon ding partner millers na pwedeng pagkunan ng bigas.
Ang kailangan lang umano sa ngayon ay palakasin ang kapasidad ng NFA na mamili ng palay ng mga magsasaka upang lalong magkaroon ng murang bigas ang gobyerno. | ulat ni Merry Ann Bastasa