Nai-award na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang nasa limang toneladang seaweed propagules para sa mga seaweed farmer mula sa Garchitorena, Camarines Sur.
Ito ay bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang seaweed production sa rehiyon alinsunod sa commitment ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. sa seaweed farmers mula sa Lagonoy at Garchitorena, Camarines Sur.
Ang DA-BFAR, sa pamamagitan ng Enhanced Philippine Seaweeds Development Program (EPSDP) ay nagtatag ng Techno-Demo Project para sa Seaweeds Nursery gamit ang High-Density Polyethylene (HDPE) cages sa bayan ng Garchitorena, ang climate resilient nursery na ito ay magsisilbi ring mapagkukunan ng seaweed propagules ng seaweed farmer association sa lugar.
Kaugnay nito, nitong buwan lamang, ang BFAR-Bicol katuwang ang National Seaweeds Technology Development Center (NSTDC) ay nag-award ng limang toneladang seaweed propagules na naihatid at naitanim kasama ang Sibanban Denrica Seaweed Farmers Association, ang benepisyaryo ng programa.
Bukod dito, nagkaroon din ng capacity-building training session sa operasyon at maintenance ng HDPE cages na gagawin ng BFAR Central Office, layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng mga benepisyaryo upang matiyak na well-equipped ang mga ito sa pamamahala at pag-maintain ng ibinigay na interbensyon. | ulat ni Vanessa Nieva | RP Naga
📷: BFAR-Bicol