Binigyang halaga ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang pangangailan na magkaroon ng government-led multisectoral strategy upang wakasan ang kagutuman at food insecurity sa Southeast Asian region o ASEAN.
Ito ang mensahe ni Yamsuan sa kanyang pagdalo sa Second Joint Workshop na inorganisa ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly, United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) at International Institute for Sustainable Development (IISD).
Bilang Committee Chair ng Aquaculture and Fisheries Resources, sinabi nito na malaki ang maiiambag ng istratehiya sa paglikha ng isang sustainable environment na magtutulak sa ekonomiya at pakikinabangan ng mga tao.
Dagdag pa ng mambabatas, ang tungkulin ng mga lawmakers ay masolusyunan ang kagutuman at malnutrisyon na mahalaga sa pagpapatupad sa alituntunin na nakasaad sa ASEAN Guidelines on Promoting Responsible Investment in Food, Agriculture and Forestry (ASEAN-RAI).
Binigyan diin din ni Yamsuan ang kinakailangang kolabkrasyon ng iba’t ibang sector sa pangunguna ng gobiyerno upang maitatag ang corporate responsibility at international cooperation sa ASEAN members.| ulat ni Melany V. Reyes