Parami pa ng parami ang bilang ng mga estudyanteng nagpapatala para sa School Year 2024-2025.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 19.8 million ang bilang ng enrollees, partikular na sa Elementary, Junior, at Senior High School gayundin sa Alternative Learning System (ALS).
Pinakamarami sa mga enrollee ay sa CALABARZON na may 2.8 million na sinundan naman ng Central Luzon na nasa halos 2.3 million, at National Capital Region na may 2.1 million.
Samantala, bibisita si Education Secretary Sonny Angara sa ilang piling paaralan ngayong araw kabilang na ang Biñan Central Elementary School, Carmona National High School at Elementary School; Muntinlupa National High School, at Casimiro Ynares Sr. National High School.
Dito, titingnan ng kalihim ang pinakahuling sitwasyon hinggil sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan ngayong araw. | ulat ni Jaymark Dagala