Bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa epekto ng hanging habagat, umakyat na sa 6 — NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa anim ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi kasunod ng mga naitalang pagbaha at pagguho ng lupa dulot na rin ng epekto ng hanging habagat o southwest monsoon sa Mindanao.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson, Director Edgar Posadas matapos makarating sa kanila ang komprehensibong ulat mula sa OCD-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Posadas, bukod sa naitala nilang isa sa Northern Mindanao, mayroon pang tatlo na nagmula sa Maguindanao del Norte, habang dalawa ay nagmula naman sa Lanao del Sur.

Samantala, may dalawa naman silang under validation o kinukumpirma pa kung may kinalaman sa mga pag-ulan ang sanhi ng kanilang pagkasawi.

Dagdag pa ni Posadas na mayroon silang 23 naitalang nasugatan dahil sa mga pag-ulan subalit ito’y under validation pa habang may apat na naitalang nawawala. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us