Tumaas pa ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa pasukan.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), mula sa 21.5 million kahapon, umabot na ito ngayon sa 22.4 million na mga mag-aaral ang nag-enroll para sa School Year 2024-2025.
Kabilang na rito ang mga nagpatala sa elementary, junior high school, senior high school, at alternative learning system.
Ayon sa DepEd, umabot na sa 80 percent ang nag-enroll ngayong pasukan. Nabatid na nasa 27.7 million ang target na enrollees ng ahensya ngayong school year.
Lumalabas naman sa datos ng DepEd na pinakamarami ang nag-enroll sa Region 4-A, sinundan ito ng Region 3 at National Capital Region.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral na mag-eenroll sa mga susunod na araw matapos na maantala ang pasukan sa ilang paaralan dahil sa epekto ng Bagyong Carina. | ulat ni Diane Lear