Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa pasukan.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), mula sa 20.6 million kahapon umabot na ngayon sa 21.5 million na mga mag-aaral ang nag-enroll para sa School Year 2024-2025.
Kabilang na rito ang mga nagpatala sa elementary, junior high school, senior high school, at alternative learning system.
Lumalabas sa datos ng DepEd na pinakamarami ang nag-enroll sa Region 4-A na nasa 3.2 million na mag-aaral, sinundan ito ng Region 3 at National Capital Region na parehong may 2.2 million na mga estudyante na nag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga mag-aaral na mag-e-enroll sa mga susunod na araw matapos na maantala ang pasukan ng ilang paaralan dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Carina. | ulat ni Diane Lear