Bilang ng mga nasugatan sa pagsabog sa Zamboanga City, umakyat na sa 27

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Police Regional Office 9 na umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasaktan sa pagsabog ng mga paputok sa Brgy. Cabatangan sa Zamboanga City.

Batay sa updated na datos kaninang alas-8 ng umaga, umabot na sa anim ang mga sugatang tauhan ng Philippine Marines, habang pitong sibilyan naman na nakatira malapit sa pinangyarihan ng pagsabog ang nadamay.

Kabilang na rito ang dalawang buwang gulang na sanggol, limang taong gulang na batang babae, 11-taong gulang na batang babae, 13-taong gulang na batang babae, 26-taong gulang na babae, 38-taong gulang na babae, at 47-taong gulang na babae.

Dinala na sa Zamboanga City Medical Center ang pitong sibilyan na agad naman ding nakalabas matapos malapatan ng karampatang atensyong medikal.

Habang kasalukuyang inoobserbahan ang mga nasa malubhang kalagayan. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Philippine Emergency Alerts

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us