Binatilyo, napaulat na nawawala matapos tangayin ng baha sa Cainta, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang Search and Rescue Operations ng mga awtoridad matapos mapaulat ang pagkawala ng isang binatilyo nang tangayin ito ng baha sa isang creek sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta sa Rizal.

Ayon sa Cainta Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nakilala ang biktima na si Rolando Abong, 14-na taong gulang at residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na kahapon nangyari ang insidente at nai-ulat ito sa kanila alas-8 kagabi subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ang naturang binatilyo.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nahulog si Abong sa creek sa kasagsagan ng pag-ulan at pinangangambahang umabot na sa floodway ang agos ng tubig. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us