BIR at BOC, hinimok na palakasin ang kanilang koleksyon sa pamamagitan ng digitalization efforts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Finance Secretary Ralph Recto ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na palakasin ang kanilang digitalization efforts para makamit ang revenue target.

Ito ang naging mensahe ni Recto sa second command conference ng Department of Finance (DOF) at attached agencies nito.

Base sa preliminary data mula January to June 2024, nakakolekta ang BIR ng P1.36 trillion mas mataas ng 11.74 percent kumpara sa parehas na parehas na buwan ng 2023.

Sa panig ng BOC, tumaas din ang koleksyon nito ng 5.16 percent mas mataas ng 5.16%, o P455.80 billion sa unang bahagi ng taon.

Ayon sa DOF, ang mataaas na collection ay bunsod ng mas mahigpit na pagpapatupad ng digitalization efforts upang bigyang-daan ang “ease of paying taxes”. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us