Hindi pa nangangailangan ng karagdagang paghihigpit sa mga byahero na nanggagaling sa Japan. Ito ay sa kabila ng lumalaking kaso ng streptococcus bacteria sa malaking bahagi ng ng naturang bansa.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, sinabi ni Department of Health NCR Director Rio Magpantay, wala pa silang namomonitor na anumang kaso ng nasabing sakit na posibleng nakapasok ito sa bansa.
Sabi niya, mahigpit naman ang ginagawang pagbabantay ng Bureau of Quarantine para sa mga byahero mula Japan.
Pero sa kabila nito, nakikiusap siya sa mga byahero na maging tapat sa paglalagay ng mga impormasyon sa kanilang health declaration form bago dumating sa Pilipinas.
Hindi pa rin naman mangangailangan ng mga dagdag requirements ang DOH sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nasabing sakit sa bansang Japan. | ulat ni Michael Rogas