Inilunsad ng TINGOG Partylist sa Cotabato at Iligan ang isang inisyatiba para mapalakas ang boses ng mga kabataan.
Nasa 70 kabataan mula Mindanao ang nakibahagi sa paglulunsad ng programa.
Layon ng TINGOG Kabataan na bigyan ng kasanayan ang mga kabataan bilang lider ng kani-kanilang komunidad at maihanda sila sa pagtataguyod ng iba’t ibang aktibidad at proyekto.
Sa ilalalim naman ng TINGOG Kabataan L.I.F.E. Camp, tinuruan ang mga kabataan na magkaroon ng kakayanang maging lider at makapagsulong ng pagbabago sa kani-kanilang komunidad.
Ayon kay TINGOG Party-list Representative Jude Acidre malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa paghubog ng ating mga komonidad.
Kaya’t umaasa sila na sa pamamagitan ng TINGOG Kabataan ay mapalakas ang kakayanan ng mga kabataan na mapamunuan ang kanilang mga komunidad at makagawa ng makabuluhang pagbabago at mga maging hinaharap na lider ng bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes