Brigada Eskuwela 2024, ilulunsad sa Pasig City ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pangungunahan ng Department of Education – National Capital Region (DepEd-NCR) at Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang taunang “Brigada Eskuwela” para sa taong ito sa Metro Manila.

Ito’y bilang paghahanda para sa pormal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng School Year 2024-2025.

Kabilang sa mga dadalo sa nasabing okasyon sina DepEd NCR Director Joyce Andaya, Pasig City Mayor Vico Sotto, Pasig Representative Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski Jr. kasama ang Sangguniang Panglungsod.

Isasagawa ang Brigada Eskuwela sa Rizal High School sa Brgy. Caniogan na siya ring itinuturing na pinakamalaking High School sa buong Pilipinas.

Sa temang “Bayanihan sa MATATAG na Paaralan,” magtutulong-tulong ang mga stakeholder para sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga silid-aralan sa mga pampublikong eskuwelahan.

Isasagawa naman ang Nationwide Brigada Eskuwela sa susunod na linggo, July 22 hanggang July 27 bago naman ang pormal na pagbubukas ng klase sa July 29. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us